“Magiging masaya ka na mamaya”: Shaira Diaz, Kinaaliwan sa Kanyang Wedding Vow para kay EA Guzman Umagaw ng atensyon ang biro ni Shaira Diaz sa kaniyang wedding vows para kay EA Guzman matapos sabihin ang linyang: “Magiging masaya ka na mamaya.” Naganap ang kasalan ng Kapuso couple nitong Huwebes, Agosto 14, sa Silang, Cavite matapos ang mahigit 12 taong relasyon. Matapos magpalitan ng kanilang mga panata, naging emosyonal si EA habang inaalala ang kanilang mahabang pagsasama, mga pinagsamang saya at pagsubok, at ang kanilang desisyon na manatiling “pure” hanggang sa kasal bilang tanda ng paggalang sa Diyos at sa isa’t isa. “Baba, we chose a path not everyone would understand. To wait. To honor God. And to honor each other by practicing purity. It wasn't always easy. But it was worth every moment,” ani EA sa kaniyang panata. Samantala, nagsimula si Shaira sa pagbabalik-tanaw sa kanilang pinagsamahan. "From this day forward, you'll never have to wait again. My love, we made it, we're finally here," "At sa 12 years natin, hindi nagbago yun. You always make sure na okay ako. Doon palang alam ko na, alam ko na hindi ako mapapagod. Hindi ako mapapagod kasi naramay kita at kasama kita. At alam ko na hindi mo ako pababayaan. At diyan kita minahal," ani ni Shaira. At sa huling bahagi ay ibinato ang nakakaaliw na biro na agad nagpasaya sa mga bisita: “Magiging masaya ka na mamaya.” 😂 Matatandaang na-engage ang dalawa noong Disyembre 2021 at isinapubliko ito noong nakaraang taon. Sa isang panayam kay EA noong Pebrero 2024 sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ibinahagi niyang naging mahirap para sa kaniya ang kanilang desisyong maghintay, ngunit pinili niya ito para sa pagmamahal at respeto sa aktres. “Kasi sabi ko: ‘Baba, hindi ko na kaya.’ Pero noong may sinabi siya sa akin na: ‘Kung mahal mo talaga ako, hihintayin mo ako.’ ‘Yon, do’n ako tinamaan,” kuwento ni EA noon. Ayon naman kay Shaira, pinanatili niya ang pangako sa kaniyang mga magulang na ihahandog niya ang “best gift” para sa lalaking pakakasalan niya.